sobrang kinaayawan ko si Dot Angina? bakit???
UNANG-UNA: dahil isa syang ahas!!!!!!! inagaw niya sakin ang kaisa-isang bisyo ko!!! (ano itong bsiyo na ito?) punyeta, lalake!!!!!!!
IKALAWA: mang-aagaw sya ng lakas. oo kaptid, tma ka, pok pok siya. ikakain nalng ng aing bisyo eh ipupunta pa niya ke Dot Angina. Ohhh come on!!!!!
IKATLO: tinuturuan nya ang bisyo ko na magsinungaling..
-ako: ahm alam mo ba nakaktawa ung nakasabay ko sa jip.........
-bisyo: ahm bree w8 lang ha?inuutusan nlan g ako ni nanay mag-grocery
..........pero ibg sabhin nun mag-antay ka dahil busy sya kay Dot Angina
-ako:me lakad kb 2day?
-bisyo:ahm wula, d2 lng me bhay 2long me sa tindahan
...........pero habang tinetxt nya yun on the way na sya to cyber para makapiling si Dot Angina
-ako:kumain knb?
-bisyo: uu! sawap nga ng ulam ih.....
..........pero di pa siya nakain, dahil di pa nauwi galing kina Dot Angina
-ako:magreresearch ka?
-bisyo: oo kasi assignment namin yun eh papass ko na bukas
...........pero yung assignment nya eh copy-paste lang kaya mabilis natapos kaya yung remaining time, guess mo nalng ano paba gagwin nya
ako: ano na gwa u?:)
bisyo: eto kaupo,ktxt ka,nud tv:)
........pero kasbay nun ang pagtipa ng keyboard at paggalaw ng mouse, ano ginagawa nya? guess mo nalang din
IKAAPAT:
hindi nga ako materyalosang geylpren kaso ano ba naman ang isang funchum at hotdog sanwits? ohhhh bakeeeettttt....
ano ba naman ang bente pesos na panlibre sa iyong sinisinta (kung sinisinta mo nga ba talaga) bente lang oh... powtek BENTE!!! alam mo ba kung magkano pamasahe ko araw-araw? mag-iisang daan.. tanungin mo sarili mo bakit di ko rin gusto magdorm..yun eh para makauwi ako at masilayan ka! tapos papalibre lang ako ng halagang bente pesos?
kahit man lang choco syeyk na halang kinse?tsk...pero nagtatagal ka sa loob ng cyber na yun ng kahit limang oras para magkasama kayo ng Dot na iyan!magkano kada oras diyan sa mainit at amoy DINOSAUR mula sa kung anong era na lugar na yan na kelangan mo pa ikalembang??? umaabot ka ng isangdaan mahigit!amp..
_______paningit: bakit nga ba gustong gusto nila sa i repeat " mainit, amoy DINOSAUR mula sa kung anong era na lugar na kelangan mo pa ikalembang"? eh mawawalan ka nga ng supply ng oxygen pag andun ka eh? isang minuto ka pa nga lang andun eh luluwa na nag sweat glands mo. pipiti percent ng mga kabataang nagka-cutting classes eh dito matatagpuan, maniwala ka, aleng may anak sa Pila, Central. Dun mo matatgpuan ang anak mo.Pusta bente
ayan back to kakuriputan.... ano naubos na pera mo? ako ubos na ubos at sagad sagad na ang pagtitimpi..eto para sayop..isang malaking HMP
ikalima: napapatanong tuloy ako sa sarili ko, kaya niya ako ipag-palit sa Dot Angina na yun? ano nga naman ba laban ko dun. si Dot hindi maingay, kaya mong paltan ang ichura anytime, hindi magreremind sayo mayat-maya na tumulong ka nman jan sa nanay mo, hindi magttxt sayo mayat-maya, hindi ka kokontrahin, di ka kukupalin, di ka babarahin at di ka iko-correct pag mali ang grammar mo.
o sige kayo na ang tru lab. kung san ka masaya sige lang ( plastik)
naiintindihan naman kita eh, bata ka pa, lalaki ka pa (leche)
sana maintindihan mo din balang araw kung bakit galit di ako ke Dot Angina...
ISANG MALAKING MALAKING MALAKING PUNYEEEEETA
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment